matalinghagang pangungulila

dito ang mga oras na nasayang ay unti unting nagiging kwadro sa kwarto…

mga kaibigan na hinahanap hanap nasa musikang pinapakinggan at
boteng tinutumba…

masaya ka na sa duyan ng teknolohiya : facebook, youtube, online games, movie streaming,
kahit di na kausapin ang katabing asawa…

may takot na nakikipag laro sa t’wina kapag naiisip ang kalusugan ng ina
na nakaka alala lamang tuwing huling araw ng buwan, amang pasaway at lagalag
sa umaga at gabi, mga kapatid na di makasundo at mga pamangking di
marunong mangumusta…

mapag hanap ng wagas na tawa dahil alam mo na pag uwi mo ay apat na
sulok lamang ang tanging makakausap na walang namang alam sambitin kundi
kalungkutan…

umasa sa pag ibig para may makasama tuwing walang pasok, sa hapag kainan,
kasuklob sa kumot at maikling kama…

ang matulog sa kontodo lamig na aircon, damit na di nangingiming isalang
sa washing machine, mga full meal sa fast food chain at steak at salmon
at oyster sauce at regular na gatas at green tea at lays at milky way
at shawarma at biryani ay metapor ng dating buhay na iniwan para sa pangarap
para sa pera para sa asawa na di matiis mawalay at iwas kasalanan…

at pag may pumanaw ay sa panitikan na lamang ibubuhos ang anumang emosyon
na mailuluto ng tadhana sa loob ng dibdib —

ang malayo sa sariling bayan ay ang mapalapit sa sarili

at nawa sa pagbalik
                                    ay ibang tao na ang makitang repleksyon sa salamin.

Advertisements

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s