dubai 101

siguraduhing malamig ang tubig bago tumae, luto yagbols mo kung sakali.
wag masyado ma-attached sa bahay na tinitirhan lalo na kung underpaid ka.
ang lungkot ginagawang mumunting kwadro na pwedeng isabit sa mga pader ng kwarto
dito may ex, makikipag kita tapos malalaman ng asawa bandang huli at syempre away na ang kasunod…parang Pinas lang di ba p’re?
kung gusto mong makarinig ng ungol at halinghing na tinono sa luto ng diyos, tumira ka sa partition.
ang mag asawang bumabangon ng dis oras ng madaling araw matik sa banyo ang tuloy.
walang permanenteng gamit…kasi yung iba ninanakaw ng kasambahay.
ang mag asawang magulo sa tinubuang bayan, dito nagiging solid – kanya kanyang rason na lang yan kung bakit at paano.
bawal masyado ma – prinsipyo. lagot ka sa employer mo.
dito ang ibon tumatawid sa kalye.
ang surot nag ra – rappel.
ang ipis nakikipag harutan na parang tuta.
ang masipag lalong dumadami ang trabaho.
ang tamad nakakapag undertime anytime.
ang lovemaking mas nagiging sexciting sa partition na walang tabing.
walang polusyon, mala basurang kili – kili meron.
ang earphone pwedeng ipang – takip sa ilong kung sobrang tindi ang putok ng katabi.
pwedeng ring bonet ang itakip hanggang ilong kung walang earphone.
wag masyado ma – depressed. may unlimited internet access ka.
ang may sponsor parang turista lang, kung saan – saan nakakapasyal kahit walang pera – kasama na pati chibog.
ang kapitbahay na hataw magpa tugtog ng novelty songs ay sadyang bastos lang, o kaya kabit ng lalakeng ka – chat ang legal wife sa Pinas.
ang magaling mag salita ng English ang pinaka misunderstood, kaya stick ka na lang sa carabao English – baka mapabilis pa yung promotion mo.
pag nasa sales ka, wag masyado mag benta. ang komisyon na inaasahan mo ay metapor ng isang magandang panaginip na nauwi sa bangungot.
wag masyadong praning sa katabi sa metro, amoy lang nila ang dapat pag ingatan mo.
ang malakas ang loob uminom at magpaka lasing sa labas ng bahay ay laging may dalang resibo ng napag inuman. o kaya may kotse. o kaya wala lang talagang pakialam sa buhay.
putol daliri sa magnanakaw na mahuhuli. swerte mo pag palpak ang alarm o camera.
basura mo, itapon ng husto. aangasan ka ng watchman ng building n’yo pag sablay ka.
baha sa bote’t garapa dito, sa isang mag bobote ang Dubai ay isang paraiso.
ang pag resign pina – plano ng husto, di kasi uso dito ang one day hiring.
ang chick na foreigner na kasakay sa tren na nabobosohan dahil kaka – bukaka ay siguradong busy sa pagmi – make up at pag aayos ng butones ng blouse.
ayon sa statistics, tumataas ng 80 % ang level ng mga taong nagtsa – chat tuwing katapusan ng buwan.
hanggang isang araw lang kayang umabsent sa trabaho. mahal kasi ang check up at medical certificate.
maraming umaasa sa pag ibig para may makasama tuwing walang pasok, kasabay sa hapag kainan, kasuklob sa kumot at maikling kama.
masaya ka na sa duyan ng teknolohiya : facebook, youtube, online games, movie streaming, kahit di na kausapin ang katabing asawa.
mapag hanap ng wagas na tuwa at tawa dahil alam mo na pag uwi mo ay apat na sulok lamang ang tanging makakausap na wala namang alam sambitin kundi kalungkutan.
may takot na nakikipag laro sa t’wina kapag naiisip ang kalusugan ng ina na nakaka alala lamang tuwing huling araw ng buwan, amang pasaway at lagalag sa umaga at gabi, mga kapatid na di makasundo at mga pamangking di marunong mangumusta…
press release ng boss mo na taas kamay s’ya sa kakayahan ng pinoy pero kapareho mo lang ng sahod yung driver n’ya.
ang bumabalik dito sa Dubai, nais magwagi. ang nagwawagi, ayaw nang bumalik sa Pinas.
ang minamalas walang bukambibig kundi umuwi ng Pinas.
sa simbahan, short cut madalas ang homily.
watch your back lagi pag iskor ng alak, baka watchman na yung kasabay mo sa elevator.
mafi pulos ang peborit na salita ng kapitbahay kong gastadora.
dito aantayin ka maka tawid ng driver na hindi makapag barumbado sa daan.
yung ibang building, ang gagara pero wala naman nag oopisina.
ingat mainlab sa mga lalaking ibang lahi, ikakasal na yan balang araw.
wag gawin kung wala sa job description. extra mile w/o a pat on the back = bitchin’
pakipatay ang gripo. walang pong libreng tubig dito.
dito ang trabaho hindi parang kaning isusubo, pag napaso mag a – awol.
ugaliing magbayad ng credit card, may open house lagi ang Dubai para sa mga delingkwente.
kapag may langitngit, maaaring may titing galit.
mabuti na’ng maging makulit sa pag follow up ng visa kesa mag exit at mahirapan ng bumalik.
ang mapalayo sa sariling bayan ay ang mapalapit sa sarili.

Advertisements

Leave a comment

June 6, 2014 · 7:11 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s