Monthly Archives: August 2014

followings

don’t be mistaken,
it’s not you they liked
but you as a reflection
of what they can do
better with how they
write.

 

 

Leave a comment

Filed under Uncategorized

steady lang blues

matang kwago
mulat buong
magdamag,
nag aalala
nangangamba

mga anino
sa pader at
kisame
gumagalaw
nag sasalita

“ ang malubhang
karamdaman
natutuloy sa
kamatayan sa
malikot na
kamalayan.”

may komedyante
sa telebisyon
bumitaw na sa
kapit n’ya sa
katotohanan

may humahabol
daw sa kanya ;
sabi ng media
droga daw
ang dahilan

mabuti na
lamang at
narito ako
ngayon sa
ibang bansa

Leave a comment

Filed under Uncategorized

malalim na gabi, malayong umaga

gusto mo pa bang tumakbo?
malalim na ang gabi
o dito muna tayo ?

hayaan mo ang dilim
hindi yan gagalaw,
basta sakay ka lang
sa takbo ng ‘yong isip.
dito tayo upo sa tabi
sa malamig na semento
malayo sa guwardiya
na puyat at tulog.
kwentuhan mo ako
ng buhay mo sa loob
at ikukwento ko s’yo
ang pag ibig ko.
pahiram ng lighter.
pahingi ng sigarilyo.

malayo pa ang umaga
dito muna tayo o
gusto mo pa bang tumakbo ?

Leave a comment

Filed under lowbrow poetry